Nitong Martes, Marso 31, 2020 (local time) nanawagan si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa bawat mamamayan na kumilos para tugunan ang negatibong epektong dulot ng corona virus crisis at mabawasan ang kapinsalaan nito sa sangkatauhan.
Sinabi niya na sapul nang maitatag ang UN, ang corona virus ang pinakamalaking pagsubok na magkakasamang kinakaharap ng buong sangkatauhan. Aniya, kailangang magkakasamang magsikap ang mga pangunahing ekonomiya ng buong daigdig at isagawa ang mabilis, inklusibo, at malikhaing hakbang para magkakasamang harapin ang krisis na ito.
Salin: Lito