|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Marso 31, 2020, sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Gerard ng Algeria.
Ipinahayag ni Li na mahirap ang gawain ng Algeria sa paglaban sa COVID-19. Matatag aniyang susuportahan ng Tsina ang Algeria. Nakahanda itong ipagkaloob ang tulong sa Algeria at ibahagi ang karanasan hinggil sa epidemya.
Ipinahayag ni Gerard na pinapurihan ng Algeria ang pagsisikap ng Tsina sa paglaban sa epidemiya. Pinasasalamatan ng kaniyang bansa ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Algeria. Umaasa ang Algeria na patuloy na matatanggap ang suporta mula sa Tsina tulad ng medikal na materyal at sa iba pang larangan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |