Nitong Biyernes, Marso 6, 2020, pumunta si Li Keqiang, Premyer ng Tsina, at Puno ng Namumunong Grupo ng Komite Sentral sa Pagharap sa Kalagayang Epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa Beijing International Airport para maglakbay-suri sa kaukulang gawain doon.
Ipinagdiinan ni Li na dapat tupdin ang diwa ng mahalagang talumpati ni Xi Jinping, Pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Aniya, ayon sa plano ng naturang grupo, dapat palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko para mabisang pigilan ang transnasyonal na pagkalat ng epidemiya at maigarantiya ang maalwang transportasyon at lohistiko sa loob at labas ng Tsina. Layon nitong makapagbigay ng mas mabuting suporta sa pakikibaka laban sa kalagayang epidemiko at mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, dagdag pa niya.
Salin: Lito