|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, kumakalat ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ang pagkakaisa ay ang nagkakaisang palagay ng buong daigdig upang ito ay mapagtagumpayan.
Sa pag-uusap kamakailan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, malinaw na ipinahayag ni Trump na igagarantiya niya pagkokooperasyon ng Tsina at Amerika sa paglaban sa epidemiya.
Pero, sa Amerika, nananatiling malakas ang ilang boses na nagnanais "paglabanin ang Tsina at Amerika," at ito ay puwersang nakakasira sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Sa isang ulat na ipinalabas kamakailan ng New York Times, sinabi ni Stephen Bannon, maka-kanang personahe ng Amerika, dinaranas ngayon ng Tsina at Amerika ang "digmaan sa kabuhayan at opinyong pampubliko," at ang naghaharing partido ng Tsina at pamahalaang Tsino ay "banta sa buong daigdig."
Sa masusing oras ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa paglaban sa COVID-19, ito ay "virus na pulitikal" na pilit ikinakalat ng isang masamang Amerikano.
Ayon sa estadistika ni Anthony S. Fauci, Dalubhasa sa Infectious Disease ng Amerika, posibleng umabot sa 100 libo hanggang 200 libong Amerikano ang mamamatay dahil sa COVID-19.
Dahil dito, nanawagan ang ibat-ibang personaheng Amerikano na kailangang magtulungan ang Tsina at Amerika.
Ang masamang pananalita ni Bannon ay hadlang sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Ito'y hindi lamang nakakasira sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa paglaban sa epidemiya, kundi nakakasira rin ng buhay ng mga mamamayang Amerikano.
Dahil dito, humaharap sa walang katiyakan ang relasyong Sino-Amerikano, at sa bandang huli, ang mga salita at aksyon ni Bannon ay maaaring magsasanhi ng disgrasya para sa Amerika .
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |