|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Miyerkules, Marso 18, 2020 ng Ministri ng Agrikultura at Suliraning Pangkanayunan ng Tsina, na mula kasalukuyang taon, isasagawa ang Progama ng Plantasyong Pamprotekta para sa Lupang Itim sa dakong Hilagang Silangan ng bansa.
Ayon dito, gagawing pokus ng naturang programa ang pagtatanim ng mais. Sa darating na 5 taon, magsisikap ang Tsina para umabot sa mga 9.33 milyong ektarya ang saklaw ng isasagawang plantasyong pamprotekta. Bunga nito, mabisang mapoproteksyunan ang nasa 70% ng itim na lupang angkop na lugar taniman sa gawing hilagang silangan ng bansa. Sa pamamagitan ng plantasyong pamprotekta, mabisang mapapangalagaan ang ibabaw ng maitim na lupa.
Ito ay isang teknolohiyang agrikultural sa sustenableng pag-unlad na hindi lamang magsasakatuparan ng matatag at malaking ani, kundi mabisa pang mangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |