|
||||||||
|
||
Sa pakikipag-usap sa telepono nitong Miyerkules ng gabi, Marso 18, 2020 kay Ursula von der Leye, bagong halal na Tagapangulo ng Unyong Europeo (EU), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na walang hanggahan ang pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Aniya, sa kasalukuyang kalagayan, kasama ng panig Europeo ang panig Tsino sa pagsisikap kontra sa epidemiya.
Anang premyer Tsino, nakahanda ang Tsina na aktibong magsagawa ng pandaigdigang kooperasyon upang magkasamang maproteksyunan ang kalusugan ng buong sangkatauhan. Umaasa si Li na mabibigyang halaga ng panig Europeo ang paggarantiya sa seguridad at ginhawa ng pamumuhay ng mga mamamayan na kinabibilangan ng mga mag-aaral na Tsino sa mga bansang EU.
Ipinahayag naman ni Ursula von der Leye na kasalukuyang kumakalat ang epidemiya sa Europa, at nagpapasalamat sa mga ibinibigay na pagkatig ng panig Tsino sa pakikibaka laban sa epidemiya. Umaasa rin siyang patuloy na susuportahan ng panig Tsino sa panig Europeo sa usaping ito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |