Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: paglalakbay-suri ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa probinsyang Zhejiang, magpapabilis ng pagpapanumbalik ng kabuhayan

(GMT+08:00) 2020-04-02 13:33:29       CRI

Naglakbay-suri kamakailan sa probinsyang Zhejiang si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa. Sapul nang pasimulan ng Tsina ang pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ito na ang ika-4 na paglalakbay-suri ni Xi. Ito rin ang kanyang ika-2 paglalakbay-suri sa labas ng Beijing, matapos ang Spring Festival sa kasalukuyang taon. Ipinalalagay ng maraming tagapag-analisa na ang paglalakbay-suri ni Xi sa probinsyang Zhejiang na may pinakamasiglang pribadong kabuhayan sa bansa ay nagpalabas ng malinaw na signal na, kasabay walang-tigil na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, pinabibilis din ng Tsina ang pagpapanumbalik ng kaayusan sa produksyon at pamumuhay, at isinusulong ang maayos na pagtakbo ng kabuhayan.

Maliban sa paglalakbay-suri, naunang pinuntahan ni Xi ang Ningbo Zhoushan Port, at kanyang naging ikalawang istasyon ang isang parkeng industriyal na nagpo-prodyus ng mga bahagi at huwaran na sasakyang de motor. Ang dalawang lugar ay kapuwa kumakatawan sa export-oriented economy ng Tsina.

Ang mga puwerto ay "barometer" ng pag-unlad ng kabuhayan. Ipinakikita ng mga datos na mahigit 90% ng mga panindang Tsino ay ina-angkat at iniluluwas sa pamamagitan ng mga puwerto. Mula G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa COVID-19 pandemic noong Marso 26; pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC noong Marso 27 hinggil sa pagpapabilis ng konstruksyon ng international logistics supply chains system; hanggang sa nasabing paglalakbay-suri sa Ningbo Zhoushan Port kung saan, binigyang-diin ang pagpapasulong sa "pagluluwas ng paninda, at pagpasok ng mga inaangkat na paninda;" ang mga ito ay pawang nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ni Xi sa pagpapanatili ng katatagan ng global industrial chains, nagpapakita ng responsibilidad bilang lider ng isang responsableng malaking bansa, at nagbibigay-diin sa sariling pagkilos upang pasulungin ang ideya ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.

Sa kanyang paglalakbay-suri, inamin ni Xi, na sa proseso ng paglaban sa epidemiya, naapektuhan sa ilang digri ang nagkakaibang industriya at bahay-kalakal ng Tsina. Diin niya, sa espesyal na pagsasa-alang-alang ng pamahalaang sentral sa mga katam-tama't maliit na bahay-kalakal, ini-akto ang isang serye ng hakbangin at polisiya upang tulungan sila sa pagpawi ng mga kahirapan. Isasaayos din ang mga ito ayon sa pagbabago at pag-unlad ng situwasyon, dagdag niya.

Ang mga pananalita ni Xi ay nabigay-kompiyansa sa mga katam-tama't maliit na bahay-kalakal, pati na sa buong kabuhayang Tsino. Sa kasalukuyang pagsiklab ng epidemiya sa napakaraming lugar sa daigdig, abala-abalang nagpoprodyus ang mga katam-tama't maliit bahay-kalakal na Tsino ng mga medikal na materiyal para sa buong daigdig. Mula rito, kung magiging matatag ang nasabing mga kompanya, tatatag din ang kabuhayang Tsino, at mabibigyan ng mas malaking garantiya ang pakikibaka sa epidemiya at pag-unlad ng kabuhayan sa buong daigdig.

Malalimang pinag-aralan at tinasa ni Xi ang kasalukuyang kalagayang epidemiko. Tinukoy niya na ito ay hindi lamang nakakapagbigay ng bagong hamon sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kundi nagdudulot din ng bagong pagkakataon sa pagpapabilis ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya, at pagpapasulong ng pag-a-upgrade ng industriya ng bansa.

Kasalukuyang kumakalat ang epidemiya ng COVID-19 sa buong daigdig, at kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang napakahigpit na pagsubok. Ipinakikita ng naturang paglalakbay-suri ni Xi na sustenableng bumubuti ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya, at pagpapabilis ng pagnunumbalik ng kabuhyang Tsino.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>