|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa Lalawigang Zhejiang, ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 1, 2020 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na kasabay ng mabilis na pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat, grabe ring apektado ang pandaigdigang aktibidad na pangkabuhaya't pangkalakalan.
Aniya, nahaharap ang kabuhayang Tsino, hindi lamang sa mga bagong hamon, kundi rin sa mga bagong pagkakataon ng pagpapabilis ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya, at pagpapasulong sa pag-a-upgrade ng industriya.
Saad ni Xi, dapat malalimang pasulungin ng Zhejiang ang reporma sa mahahalagang larangan at masususing elemento, at hanapin ang landas at karanasan para sa pambansang reporma.
Diin ni Xi, dapat mabisa't maayos na pabilisin ang pagpapanumbalik ng trabaho't produksyon, habang mahigpit na pinapabuti ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Iniharap din ni Xi ang pagtatatag at pagkumpleto ng sistema ng pinagsasama-samang pag-unlad ng mga lunsod at nayon, pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura at kanayunan, at pagpapasulong sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng Zhejiang.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |