|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, maraming beses na ginamit ng mga lider na Amerikano ang terminong "Chinese virus" bilang paglarawan sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ito ay nakatawag ng pagbatikos mula sa loob ng Amerika at komunidad ng daigdig.
Ipinahayag nitong Miyerkules, Marso 18 ni Mike Ryan, opisyal ng World Health Organization (WHO), na walang hanggahan ang pagpigil at pagkontrol sa virus. Dapat aniyang iwasan ang kontak ng virus sa tao. Ipinagdiinan niya na ang H1N1 flu noong 2009 ay nagsimula sa North America, ngunit hindi ito tinatawag na "North American flu."
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Hillary Clinton, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang binitawang racist comments ni Pangulong Donald Trump ay naglalayong takpan ang kapabayaan ng kanyang tungkulin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Pinuna rin niya si Trump na hindi niya matimtim at agarang hinarap ang banta ng corona virus at hindi pinabuti ang paghahanda sa pagharap ng Amerika sa krisis.
Ayon pa sa artikulong inilabas ng New York Times kamakailan, sinabi nito na sa loob ng dalawang buwang nakalipas, palagiang pinabulaanan ni Trump ang kalubhaan ng corona virus, at ipinagkaloob din niya ang mga maling impormasyon sa publiko.
Kasunod ng mabilis na pagkalat ng epidemiya at walang humpay na laki ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Amerika, nagiging mas maliwanag ang mga problema ng pamahalaang Amerikano sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Ang racist words at deeds ay hindi nakakatulong sa pandaigdigang kooperasyon sa magkakasamang pagharap sa krisis ng pampublikong kalusugan. Sa harap ng komong kaaway ng buong sangkatauhan, dapat gawin ng mga pulitikong Amerikano ang mga bagay na nakakabuti sa kalusugan ng mga mamamayan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |