|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Abril 2, 2020, sina Permiyer Li Keqiang ng Tsina at Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Li na dapat magkakasamang magsikap ang Tsina, Biyetnam at ibang bansa ng daigdig, para pahigpitin ang koordinasyon, palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) , upang magkakasamang pigilan ang pagkakalat ng epidemiya, at mapangalagaan ang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong ito.
Pinasalamatan ni Li ang Biyetnam na ipinagkaloob na suporta sa Tsina sa kalagitnaan ng paglaban ng Tsina sa epidemiya. Ipinahayag niya na nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang kailangang tulong sa Biyetnam.
Ipinahayag ni Nguyen Xuan Phuc na lubos na pinahahalagahan ng Biyetnam ang mahalagang bunga na natamo ng Tsina sa paglaban sa COVID-19. Pinasalamatan niya ang Tsina sa ipinagkaloob na suporta sa Biyetnam. Sinabi rin niya na nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para pag-aralan ang karanasan ng isa't isa, at magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |