|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika na palagiang isinasagawa ng panig Tsino ang puwersahang panghihimasok sa oil at gas exploration activity ng Biyetnam sa ina-angkin nitong karagatan. Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 27, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing batikos ng Amerika ay ganap na nagbabalewala ng katotohanan at nagbabaligtad ng itim't puti.
Ani Geng, ang Tsina ay matatag na tagapagsuporta at nagsasagawa ng pandaigdigang batas at kaayusan. Aniya, sa mahabang panahon, palagiang isinasagawa ng panig Tsino ang lehitimong karapatan nito sa kaukulang rehiyon alinsunod sa pandaigdigang batas, at buong tatag itong nangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at mabuting kaayusan sa rehiyon.
Dagdag pa niya, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang naturang walang batayang pagbatikos ng panig Amerikano. Hinimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang aktibidad ng masamang pagpukaw, at patingkarin nito ang positibo at konstruktibong papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, aniya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |