|
||||||||
|
||
Sa magkasamang pagtataguyod ng Yangshipin, video app ng China Media Group (CMG), at SDIC Human Resources Service Co., Ltd, pinasinayaan Sabado, Abril 4, 2020 ang online job fair sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area (GBA). Ipinagkaloob ng maraming kilalang kompanya sa GBA ang mga trabaho at patnubay sa mga naghahanap ng trabaho.
560 libong Square kilometer ang kabuuang saklaw ng GBA na may mahigit 70 milyong populasyon. Ito ang isa sa mga rehiyon ng Tsina na may pinakamalaking digri ng pagbubukas at pinakamasiglang kabuhayan. May mahalagang estratehikong katayuan ang rehiyong ito sa pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng bansa. Ito rin ay lugar na may napakalaking pangangailangan sa pangangalap at paghahanap ng trabaho.
Sapul nang pasimulan ang naturang online job fair noong Marso 2, naakit na nito ang pagpasok ng halos 4,000 iba't-ibang uri ng bahay-kalakal at organong panlipunan. Hanggang sa ngayon, ipinagkaloob na nito ang mahigit 420 mabuting trabaho sa mga jobseekers.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |