|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Abril 6, 2020, 39 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Kabilang dito, 38 ang mula sa ibayong dagat, at 1 lang ang domestikong kaso.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 81,708 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 88 ang umiiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 77,078 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,331 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Bukod dito, 78 ang bagong walang sintomas na kaso ng COVID-19 sa loob ng Tsina, at 40 sa mga ito ay mula sa ibayong dagat.
Samantala, 1,047 walang sintomas na kaso ng COVID-19 ang nasa kuwarentenas na medikal.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |