Sa regular na news briefing nitong Lunes, Abril 6, 2020, sinabi ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) na ang pananaliksik, pagdedebelop, at pagsubok ng bakuna ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay isasagawa, sa pamamagitan ng ethical clinical test.
Kaugnay ng pananalita ng siyentipikong Pranses na isagawa ang pagsubok ng bakuna sa Aprika, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na nakakagulat at nakakahiya ang ganitong pahayag sa modernong panahon ng ika-21 siglo. Aniya, sa halip na makatulong sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19, ang ganitong pananalita ng pagtatanging panlahi o rasismo ay makakasira lamang sa pagkakaisa.
Salin: Vera