|
||||||||
|
||
Inilabas kamakailan ng Henry Jackson Society, neo-conservative think tank na ang punong himpilan ay nasa London, ang umano'y investigative report. Binatikos nito ang Tsina na inilihim ang impormasyon ng epidemiya, nilabag ang International Health Regulations, at may pananagutan sa pagkalat ng novel corona virus. Anang ulat, dapat siyasatin ng komunidad ng daigdig ang pananagutan ng Tsina, upang pagbayarin ito.
Katawa-tawa ang ganitong pananaw. Gumawa ang Tsina ng napakalaking sakripisyo, upang ilatag ang unang linyang pandepensa para sa pagpigil sa pagkalat ng epidemiya sa komunidad ng daigdig. Nakuha nito ang mahalagang panahon para sa iba't ibang panig. Samantala, napapanahong inilabas ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya, at ibinahagi sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig ang mga karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at paggamot sa sakit.
Ang lahat ng mga ito ay katotohanang kinikilala at unibersal na pinupurihan ng komunidad ng daigdig. Higit sa lahat, ang maraming hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay humigit sa kahilingan ng International Health Regulations.
Tulad ng komento ng WHO, ang Tsina ay nagsilbing bagong modelo ng buong mundo, sa aspekto ng pagpapatupad ng mga obligasyong pandaigdig.
May tanong po rito: Aling pandaigdigang batas ang batayan ng kahilingan ng ilang personaheng kanluranin sa pagsisiyasat ng pananagutan ng Tsina?
Walang alinmang katwiran at imoral ang ganitong pananaw. Sa harap ng epidemiya, naging biktima ang buong sangkatauhan. Walang halimbawa sa kasaysayan na pinagbayaran ng takdang bansa o lahi ang krisis ng kalusugang pampubliko, dahil ito ay mang-uupat sa kapootan na nakatuon sa iisang lahi sa buong mundo, at mapagkunyaring lilikha ng trahedyang historikal.
Ang diwa ng pananalita ng ilang personaheng kanluranin hinggil sa pagsisiyasat ng pananagutan ng Tsina at paghingi ng kabayaran ay rasistikong aksyon na taliwas sa batayang moral.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |