Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Timeline ng pagbabahagi ng impormasyon at kooperasyong pandaigdig hinggil sa COVID-19, inilabas ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-04-07 15:34:59       CRI

Inilabas nitong Lunes, Abril 6, 2020 ng Tsina ang timeline hinggil sa pagbabahagi ng bansa ng mga impormasyong may kinalaman sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagpapasulong sa kooperasyong pandagidig.

Pagkaraang sumiklab ang COVID-19 pandemic, batay sa ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at hayagan, maliwanag at responsableng pakikitungo, sa mula't mula pa'y napapanahong isinapubliko ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya, at ibinahagi sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig ang mga karanasan sa pagpigil, pagkontrol at paggamot ng epidemiya. Samantala, pinalakas nito ang kooperasyon sa siyentipikong pananaliksik, at ipinagkaloob hangga't makakaya ang tulong sa iba't ibang bansa.

Ang mga kilos ng Tsina ay lubos na pinurihan at malawakang kinilala ng komunidad ng daigdig.

Narito po ang nasabing timeline:

Katapusan ng Disyembre, 2019

Nadiskubre ng Wuhan Center for Disease Control and Prevention (CDC), Lalawigang Hubei sa gitnang Tsina, ang kaso ng pneumonia na di-matukoy ang sanhi.

Enero 3, 2020

Simula sa araw na ito, regular, napapanahon, at kusang-loob na ipinaalam ng panig Tsino sa WHO, mga kaukulang bansa't rehiyon, at rehiyon ng Hong Kong, Macao at Taiwan ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya.

Sinimulan ding regular na ipaalam ng panig Tsino sa panig Amerikano ang mga impormasyon ng epidemiya at hakbangin sa pagpigil at pagkontrol.

Enero 4

Nakipag-usap sa telepono ang namamahalang tauhan ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC) at Direktor ng Center for Disease Control and Prevention ng Amerika, para isalaysay ang kaukulang kalagayan ng epidemiya. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan ukol sa pagbabahagi ng impormasyon at koordinasyong teknikal.

Enero 5

Ipinaalam ng panig Tsino sa WHO ang impormasyon ng epidemiya.

Inilabas, sa kauna-unahang pagkakataon, ng WHO ang sirkular kaugnay ng pneumonia na di-matukoy ang sanhi sa Wuhan, Tsina.

Enero 7

Matagumpay na ini-isolate ng CDC ng Tsina ang unang novel coronavirus strain.

Enero 8

Nag-usap sa telepono ang mga namamahalang tauhan ng mga CDC ng Tsina at Amerika, upang talakayin ang hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungang teknikal ng kapuwa panig.

Enero 9

Isinapubliko ng grupo ng mga dalubhasa ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina ang impormasyon ng pathogen ng pneumonia na di-matukoy ang sanhi sa Wuhan, Tsina. Ayon sa inisyal na pagsusuri, ang pathogen nito ay bagong uri ng corona virus.

Ipinaalam ng panig Tsino sa WHO ang impormasyon ng epidemiya, at ibinahagi ang inisyal na progreso ng pagsusuri sa pathogen ng nasabing uri ng pneumonia.

Enero 12

Sa sirkular ng Komisyong Pangkalusugan ng Wuhan, tinawag, sa kauna-unahang pagkakataon, ang pneumonia na di-matukoy ang sanhi bilang pneumonia na dulot ng novel coronavirus.

Iniharap ng panig Tsino sa WHO ang impormasyon ng genome sequence ng novel coronavirus. Ang impormasyong ito ay inilabas din sa Global Initiative on Sharing All Influenza Data (GISAID), para ibahagi sa buong mundo.

Enero 19

Nakipag-ugnayan ang CDC ng Amerika sa CDC ng Tsina, kaugnay ng mga kaukulang kalagayan.

Enero 21

Ipinatalastas ng World Health Organization (WHO) sa opisyal na website nito na nagsasabing: Ipinadala nito mula noong Enero 20 hanggang Enero 21 ang delegasyon sa lunsod Wuhan ng Tsina para sa imbestigasyon.

Enero 23

Ipinalabas ng Wuhan epidemic prevention and control headquarters ang No.1 notice na sarahan ang tsanel palabas ng Wuhan ng mga paliparan at railway station. Ipinalabas ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina ang pangkagipitang mensahe na pansamantalang sarahan ang daanan kapwa sa lupa at tubig na papasok sa Wuhan.

Enero 25

Sa pamumuno ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, magkasanib na ipinalabas ng maraming ospital at organo ng pananaliksik ng Tsina ang paper na pinamagatang "The novel coronavirus carried by Chinese pneumonia patients in 2019." Tinukoy sa naturang paper na sa pamamagitan ng whole genome sequencing, natuklasan ang isang betacoronavirus na hindi pa nakikita kailanman, at naging ika-7 coronavirus ito na maaaring makahawa sa sangkatauhan.

Enero 27

Nag-usap sa telepono sina Ma Xiaoeri, Puno ng National Health Commission ng Tsina (NHC) at Alex Azar, U.S. Secretary of Health and Human Services. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga gawain ng pagkontrol at pagpigil ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Enero 28

Nakipagpakita dito sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO.

Enero 30

Opisyal na ipinaalam ng WHO ng Amerika na tanggapin ng Amerika na sumali sa grupo ng mga dalubhasa ng WHO. Pinasalamatan ito nang araw rin iyon ng Amerika.

Pebrero 3

Hanggang Pebrero 3, ipinaalam nang 30 beses ng Tsina sa Amerika ang kalagayan ng epidemiya, na kinabibilangan ng pagbabahagi ng kaso ng panggagamot, karanasan ng pagkontrol ng epidemiya,at iba pa.

Pebrero 4

Nag-usap sa telepono ang namamahalang tauhan ng NHC at Puno ng U.S. National Institute of Allergy and Infectious Diseases. Nagpalitan ang dalawang panig ng mga impormasyon ng epidemiya.

Pebrero 7

Nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Pebrero 8

Nagpalitan muli ang mga namamahalang tauhan ng Departamentong Pangkalusugan ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng pagsali ng dalubhasang Amerikano sa grupo ng dalubhasa ng Tsina at WHO.

Pebrero 11

Sa paanyaya, nakipag-usap sa telepono ang mga ekspertong Tsino sa mga kasamahang Amerikano para ibahagi ang mga karanasan at impormasyon ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

Pebrero 12

Ipinadala ng kaukulang namamahalang tauhan ng United States Department of Health and Human Services (HHS) ang liham sa namamahalang tauhan ng National Health Commission (NHC) ng Tsina para talakayin ang tungkol sa kooperasyon ng dalawang panig sa kalusugan at pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

Pebrero 14

Bilang tugon sa pagpapahayag ni Lawrence Kudlow, Direktor ng White House National Economic Council, na kulang sa kaliwanagan ang pagharap ng pamahalaan sa epidemiya, tinukoy ni Michael Ryan, Executive Director ng Emergencies Program ng World Health Organization (WHO), na walang katotohanan ang pananalita ni Kudlow. Aniya, aktibong nakikipagtulungan ang pamahalaang Tsino sa WHO at nagpapakita ng mataas na kaliwanagan.

Pebrero 16

Sinimulan ng magkasanib na grupo ng eksperto ng Tsina at WHO ang 9 na araw na paglalakbay-suri sa Tsina. Nagpunta sila sa mga lugar ng Tsina na gaya ng Beijing, Chengdu, Guangzhou, Shenzhen, at Wuhan para alamin ang tunay na kalagayan doon.

Pebrero 18

Ipinadala ng NHC ang balik-liham sa HHS para magkaroon ng ibayo pang pagsasanggunian tungkol sa kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng kalusugan at pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

Pebrero 19

Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang balik-liham kay Bill Gates, co-chair ng Bill & Melinda Gates Foundation, bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig nila sa gawain ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya. Nanawagan si Xi sa komunidad ng daigdig na palakasin ang pagkokoordinahan at magkakasamang labanan ang epidemiya.

Pebrero 24

Sa news briefing na idinaos sa Beijing ng magkasanib na grupo ng mga dalubhasa ng Tsina at WHO, ipinalalagay nila na isinagawa ng Tsina ang walang-katulad na hakbangin sa pampublikong kalusugan. Ito anila ay nagtamo ng malinaw na bunga sa pagpapabagal ng pagkalat ng epidemiya at pagpigil ng pagkalat ng virus sa pagitan ng mga tao.

Pebrero 28

Magkakasamang ipinalabas sa New England Journal of Medicine ng Amerika at mga ospital at instituto ng pananaliksik ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Clinical Characteristics of Coronavirus Disease 2019 in China" kung saan inanalisa ang datos ng panggagamot ng 1,099 pasyente ng COVID-19.

Marso 11

Ipinalabas sa JAMA network ng grupo ng pananaliksik ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang artikulong pinamagatang "Detection of SARS-CoV-2 in Different Types of Clinical Specimens" kung saan natuklasan sa unang pagkakataon, ang cytokine change map at prognosis rule sa loob ng katawan ng mga maysakit ng COVID-19.

Marso 12

Sa paanyaya ng Tsina, nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN. Ipinagdiinan ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na ibahagi ang karanasan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa mga kaukulang bansa, at magsagawa ng magkakasanib na pagsubok-yari ng mga gamot at bakuna. Bukod dito, kanyang ibinahagi na ipinagkaloob ng panig Tsino hangga't makakaya ang tulong sa ilang apektadong bansa.

Dala ang mga donasyong materiyal na medikal ng Tsina, dumating ng Italya ang unang grupo ng ekspertong medikal ng Tsina.

Marso 17

Sinimulang magsuplay ang Tsina ng 14 na uri ng domestic test kits sa 11 bansa.

Marso 26

Sa kanyang pagdalo sa G20 Extraordinary Leaders' Summit on COVID-19, binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mahalagang talumpating pinamagatang "Working Together to Defeat the COVID-19 Outbreak".

Ayon sa datos ng China International Development Cooperation Agency, hanggang noong Marso 26, ipinagkaloob ng Tsina ang tulong sa 89 na bansa at 4 na organisasyong pandaigdig.

Marso 27

Nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Marso 29

Ayon sa Joint Prevention and Control Mechanism of the State Council, napigilan na sa kabuuan ang pagkalat ng epidemiya sa loob ng Tsina.

Marso 30

Sa paanyaya ng American College of Chest Physicians, magkakasamang dumalo ang mga ekspertong medikal ng Tsina at mga kasamahang Amerikano sa "Network Forum of COVID-19" para ibahagi ang karanasang Tsino sa paglaban sa COVID-19.

Nag-usap sa telepono sina Ma Xiaowei, Puno ng NHC, at Alex Azar, Kalihim ng HHS para maisakatuparan ang diwa ng pag-uusap sa telepono ng mga lider ng dalawang bansa noong Marso 27, ibahagi ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya, at magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa kanilang kooperasyon sa susunod na yugto.

Marso 31

Ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino ang mga kagamitang medikal sa 120 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig.

News Source / Video Source: Xinhua News

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>