|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/264849237862821/ (Unang Bahagi)
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/702805200465426/ (Ikalawang Bahagi)
Ang mga high tech na kagamitang tulad ng mga 5G, drone, at robot ay nagbibigay ng malaking tulong sa pagkontol ng COVID-19.
Alam nating lahat na ang Severe Acute Respiratory Syndrome Corona Virus-2 (SARS-Cov-2), virus na nagsasanhi ng COVID-19 ay nakamamatay, at mabilis kumalat.
Kaya naman, piniling gamitin ng Tsina ang mabilis na aksyon upang makontrol ang pagkalat nito.
Dagdag pa riyan, ginagamit na rin ngayon ngayon ng bansa ang cutting-edge technology upang mas lalo pang mapuksa ang COVID-19.
Paano ginagamit ng Tsina ang 5G at AI sa paglaban sa COVID-19?
Dahil sa mataas na bandwidth at mababang latency, mainam ang 5G sa proseso ng remote medical treatment.
Ayon kay Li Zhenlin, Deputy Director ng Radiology Department sa West China Hospital of Sichuan University, "sa pamamagitan ng 5G remote transmission, nakokontrol ang mga CT scan sa malalayong ospital, sa real-time basis.
Sa pamamagitan nito, maiistandardisa ang paraan at kalidad ng mga pagsusuri at maiiwasan ang mga pagkakamali at pag-uulit ng mga eksaminasyon.
At ang pinakamahalaga, ma-o-optimisa ang kalidad ng mga imaheng mula sa mga makina at mai-istandardisa ang dami ng radyasyon na ibibigay sa pasyente.
Ayon pa kay Li, sa pamamagitan din ng 5G-aided remote diagnosis, mababawasan ang posibilidad na mahahawa ang mga high-level senior medical expert na nagsasagawa ng CT Scan.
Sa larangan naman ng Artificial Intelligence (AI), malaki ang naitutulong nito mula sa "pakikipag-usap" sa mga pasyente; pagmo-monitor sa mga pampublikong lugar; pagdedeliber ng pinamili, pagkain, at gamot.
Ang mga robot na pinatatakbo ng AI ay naging mga "hardcore weapon" para sa mga gawaing ito.
Kaya ring maituro ng mga AI-driven system ang taong may mataas na temperatura kahit siya ay nakahalo sa maraming iba pang tao. Ito ay malaking tulong sa pagkontrol ng panganib ng impeksyon sa mga mataong lugar.
Marami ring lunsod sa Tsina ang gumagamit ng big data analysis platforms para matunton ang mga taong pinaghihinalaang impektado ng COVID-19.
Idinebelop ng Shanghai ang isang data platform na nagkokombina sa impormasyon mula sa pulisya, health agency at iba pang departamento ng pamahalaan upang matunton ang daloy ng tao sa siyudad.
Sa lunsod naman ng Hangzhou, gumagamit sila ng personal QR health code para makontrol ang paglaganap ng virus. Paano? Maaari itong makuha sa pamamagitan ng online na aplikasyon, at ang sistema na mismo ang magsusuri sa impormasyon ng aplikante kung anong klaseng pass ang ibibigay sa kanya.
Ang aplikasyon ng cutting-edge na teknolohiya ay hindi lamang ginagawa sa Tsina. Sa Britanya, nagkokooperasyon ngayon ang pamahalaan at mobile network O2 para ma-analisa ang location data sa mga smartphone.
Sa Amerika, nakikipag-usap ang gobyerno sa mga tech company na gaya ng Facebook at Google hinggil sa posibleng sa pag-monitor sa mga tao para malaman kung sinusunod nila ang social distancing.
Sa Timog Korea, mayroon silang "Self-Quarantine Safety Protection" tracking app, at ito ang magsasabi sa pamahalaan kung ang isang tao ay lumabas sa quarantine zone.
Samantala, ang Israeli Health Ministry ay nagpapadala naman ng mga "tailored text alerts" sa mga taong nagkaroon ng proksimidad sa mga kumpirmadong kaso.
Ang lahat ng ito ay mga teknolohiyang ginagamit ngayon upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo.
Marahil, may mga kritiko na naman ang magsasabing, may potensyal na panganib ang mga ito, at posibleng magamit upang panghimasukan ang pribadong buhay ng isang indibiduwal.
Kung purong posibilidad ang ating pag-uusapan, ang lahat ng haka-haka ay posible.
Pero, sa napakahalagang panahon ng paglaban ng buong sangkatauhan sa COVID-19, sa palagay ko, ang ilegal na panghihimasok sa pribadong ng buhay ng indibiduwal ay hindi kasama sa mga priyoridad ng pamahalaang Tsino.
Para sa Tsina, ang mahalaga ay maisalba ang buhay ng mas nakakaraming nilalang sa buong mundo, at itayo ang KOMUNIDAD NG PINAGBABAHAGINANG KINABUKASAN PARA SA BUONG SANGKATAUHAN; ibalik ang bitalidad ng komersyo at industriya ng mundo, at mamuhay ng mapayapa, alinsunod sa unibersal na deklarasyon ng karapatang-pantao ng United Nations.
/RHIO ZABLAN//
SOURCE:
https://news.cgtn.com/news/2020-04-06/Fighting-COVID-19-A-tech-solution-PrU1pe2HDO/index.html
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |