Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(OP-ED) PAGBALING NG SISI AT MUNGKAHING DAPAT PAGBAYARIN ANG TSINA SA PINASALANG DULOT COVID-19 SA MUNDO, WALA SA KATUWIRAN AT IMORAL

(GMT+08:00) 2020-04-09 14:45:55       CRI
Ayon sa ulat na inilabas kamakain ng Henry Jackson Society, inililihim di-umano ng Tsina ang impormasyon hinggil sa epidemiya ng COVID-19, nilabag ang mga International Health Regulation, at may pananagutan ang bansa sa pagkalat ng novel corona virus.

Anang ulat, dapat siyasatin ng komunidad ng daigdig ang pananagutan ng Tsina sa pandemiyang ito, upang ito ay mapanagot.

Ang mga salitang ito ay isa na namang katawa-tawa, at sa totoo lang, ay lumalapit na, sa pagiging isang ESTUPIDONG mungkahi.

Simula nang sumiklab ang COVID-19, napakalaking sakripisyo ang ginagawa ng Tsina, upang ilatag ang unang linya ng depensa sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.

Kasabay nito, napapanahong inilabas at inilalabas ng Tsina ang mga TUNAY AT MAKATOTOHANANG IMPORMASYONG may kinalaman sa pandemiya, at ibinabahagi ang mga ito sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig.

Ang mga karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at paggamot sa mga may-sakit ay siya na ngayong sinusundang impormasyon at nagsisilbing padron ng napakaraming bansa sa daigdig upang pagtagumpayan ang COVID-19.

Ang mga hakbang at karanasan ng Tsina ay nagsisilbing "bukal ng panibagong buhay" para sa komunidad ng daigdig.

Samantala, sa domestikong prontera, walang-tigil ang Tsina sa pagpuksa sa COVID-19, at kasabay nito, pilit itong nagpupunyagi para makapagbigay ng napapanahon at kinakailangang tulong sa 120 apektadong bansa, na kinabibilangan ng Pilipinas at 4 na internasyonal na organisasyon.

Libu-libong pagawaan sa Tsina ang dagliang nagbalik-operasyon upang maibigay sa daigdig ang kinakailangang mga test kit, maskara, at pamprotektang kasuotan.

Ang lahat ng mga ito ay katotohanang kinikilala at unibersal na pinupuri ng komunidad ng daigdig.

Higit sa lahat, ang maraming hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, ay lagpas-lagpas sa kahilingan at ekspektasyon ng International Health Regulation.

Tulad ng komento ng WHO, ang Tsina ay nagsilbing bagong modelo ng buong mundo, sa aspekto ng pagpapatupad ng mga obligasyong pandaigdig.

Samantala, ayon naman sa Kanadyanong Espesyalistang si Bruce Aylward, kapuri-puri ang mga hakbang ng Tsina sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi niya ito, matapos pamunuan ang ekspertong grupo ng WHO sa 9 na araw na misyon upang imbestigahan ang mga hakbang ng Tsina kaugnay ng naturang sakit.

"If I had COVID-19, I'd want to be treated in China," dagdag pa ni Aylward.

Ito ay nagpapakita, na bilang isang ekspertong doktor, mayroon siyang malaking tiwala sa mga teknika at estratehiya ng Tsina sa paggamot at pagpuksa sa naturang karamdaman.

Ano at aling pandaigdigang batas ang batayan ng Henry Jackson Society, upang hilingin ang pagsisiyasat sa pananagutan di-umano ng Tsina sa COVID-19?

WALANG ANUMANG KATUWIRAN, SIKSIK NG IMORALIDAD AT MALIWANAG NA PAGKAMANGMANG ng ilang kanluranin organisasyon ang ganitong pananaw.

Sa kasaysayan ng buong sangkatauhan, walang ni-isa mang halimbawang makikita na pinagbayaran ng isang bansa, o lahi ang isang krisis sa kalusugang pampubliko.

Ang mungkahing ito ng Henry Jackson Society ay nakadisenyo upang manulsol lamang ng poot laban sa Tsina.

Ang pananalita ng Henry Jackson Society at ilang personaheng kanluranin hinggil sa pagsisiyasat sa di-umano ay pananagutan ng Tsina at paghingi ng kabayaran ay rasistikong aksyon na taliwas sa batayang moral, na nakadambana sa mga prinsipyo ng United Nations.

Kahit ano ang gawin ng Tsina, mukhang wala yatang masasabing maganda ukol dito ang kanluran.

Hindi yata nila matanggap ang mapayapang pag-ahon ng Nasyong, kaya naman lahat ng posibleng paraan ay ginagamit nila, pati na ang pandemiya ng coronavirus.

Para magtagumpay ang sangkatauhan, kailangan nating magkaisa, pero, habang kinikitil ng virus ang libu-libong buhay, ilang mga taga-kanluran ang abalang-abala sa paggawa ng alingas-ngas at tsismis laban sa Tsina.

Mapapakinggan din po ninyo ang op-ed na ito at pinakahuling impormasyon hinggil sa magkasamang paglaban ng Tsina't Pilipinas sa COVID-19 sa fb link sa ibaba:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2733876583603757&id=216675911695636

SOURCE:

https://filipino.cri.cn/301/2020/04/08/101s167142.htm

https://filipino.cri.cn/301/2020/04/08/109s167141.htm

https://filipino.cri.cn/301/2020/04/06/103s167121.htm

https://filipino.cri.cn/301/2020/04/08/101s167149.htm

Rhio Zablan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>