Ayon sa estadistika ng World Health Organization (WHO), hanggang 10:00 a.m., Abril 8, 2020 (Central European Time), 73,553 ang naitalang bagong bilang ng mga kumpiramadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kaya umabot na sa 1,270,204 ang kumpirmadong kaso sa buong mundo, maliban sa Tsina.
Samantala, 6,693 ang bagong bilang ng mga namatay at 75,893 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.
Sa Europa, na pinakaapektuhan ngayon ng daigdig, umabot sa 720,219 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 57,369 ang namatay.
Salin:Sarah