Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Amerika, makikinabang sa kooperasyon, at kapuwa mapipinsala sa paglalaban—Ministring Panlabas ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-04-09 15:19:28       CRI

Inilabas kamakailan ng halos sandaang personahe mula sa sirkulong estratehiko ng Amerika ang magkakasanib na pahayag, na nananawagan sa Amerika at Tsina na palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kaugnay nito, sinabi dito sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 8, 2020 , ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing panawagan ay tugma sa positibo't makatarungang pananaw ng mga personaheng may pangmalayuang palagay para sa dalawang bansa at komunidad ng daigdig nitong nakalipas na ilang panahon.

Ito ay hinahangaan at winewelkam ng panig Tsino, aniya.

Pero binanggit din ng nasabing pahayag na, sa unang yugto ng epidemiya, inilihim ng Tsina ang mga impormasyon, at hindi lubos na nakipagkooperasyon sa Amerika at mga pandaigdigang organong pangkalusugan.

Tungkol dito, mariing sinabi ni Zhao, na ito ay malaking kasinungalingan at taliwas sa katotohanan ang ganitong pananalita.

Ipinagdiinan pa ni Zhao, na pagkaraang sumiklab ang epidemiya, batay sa hayagan, maliwanag, at responsableng pakikitungo; palagian at napapahaong ipinapaalam ng panig Tsino sa World Health Organization (WHO) ang kalagayan ng epidemiya, ibinahagi sa iba't ibang bansa ang gene sequence ng novel coronavirus, isinasagawa ang pandaigdigang kooperasyon ng mga dalubhasa sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at ipinagkakaloob ang saklolo sa ibang bansang apektado ng pandemiko.

Ang naturang mga pundamental na katotohanan ay nakatanggap ng lubos na papuri at positibong pagtasa mula sa komunidad ng daigdig, dagdag niya.

Saad ni Zhao, ang paglaban sa COVID-19 pandemiko ay nagkaloob ng isang plataporma para sa pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Amerikano. Tulad ng sabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang pagtawag kay Pangulong Donald Trump ng Amerika, ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpipilian, aniya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>