|
||||||||
|
||
42 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Abril 10, 2020, Kabilang dito, 38 ang mula sa ibayong dagat, at 4 ang kaso ng pagkahawa sa loob ng bansa.
Samantala, 3 ang bagong pinaghihinalaang kaso lahat ay mula sa ibayong dagat. Isa ang naiulat na pumanaw sa araw na ito.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 81,907 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 53 ang umiiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 77,455 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,336 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Bukod dito, 47 ang bagong asimtomatikong kaso ng COVID-19 sa loob ng Tsina, at 14 sa mga ito ay mula sa ibayong dagat.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |