|
||||||||
|
||
Nakahanda ang Tsina na patuloy na tulungan ang Turkey sa hamon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at bigyang-daan ang pagbili nito sa mga materyales na medikal mula sa Tsina.
Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Miyerkules, Abril 8 sa kanyang counterpart na Turkish na si Recep Tayyip Erdogan.
Pinasalamatan naman ni Erdogan ang Tsina sa ibinigay na tulong sa kanyang bansa at daigdig laban sa pandemiya, sa pamamagitan ng iba't ibang paraan na gaya ng pagkakaloob ng kagamitang medikal, pagbabahagi ng karanasan sa panggagamot, at iba pa.
Nakahanda rin ang dalawang pangulo na patuloy na magkasamang tugunan ang pandemiya, at magkasamang pasulungin ang pagtutulungan sa iba't ibang larangang tulad ng kalakalan, pinansya, abiyasyon at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |