Sa kasalukuyan, 12 pangkat ng mga grupo ng mga dalubhasang medikal ang ipinadala ng Tsina sa 10 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Italya, Serbia at Kambodya.
Isinalaysay nitong Huwebes, Abril 9, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kalagayang may kinalaman sa pagpapadala ng Tsina ng mga grupo ng dalubhasang medikal sa ibayong dagat.
Aniya, ibinabahagi ng mga dalubhasang Tsino sa mga doktor at nars sa naturang 10 bansa ang karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at tinutulungan silang pataasin ang kakayahan sa pagtugon sa mga hamon ng epidemiya.
Ang nasabing hakbang ng Tsina ay buong pagkakaisang pinupurihan ng mga pamahalaan at mamamayan ng kaukulang bansa. Diin ni Zhao, sa harap ng biglaang krisis ng pandaigdigang kalusugang pampubliko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, buong lakas na pinapabuti ng panig Tsino ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiko sa loob ng bansa, pinapalakas ang kooperasyong pandaigdig laban sa pandemiko, at aktibong sumasali sa global health governance. Ito aniya ay responsibilidad at obligasyon ng Tsina, at angkop din sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig, at kabiyayaan ng buong sangkatauhan.
Salin: Vera