Ipinalalagay ng mga mananaliksik mula sa Britanya at Alemanya, na habang kumakalat sa buong mundo ang coronavirus, ito ay nagbago sa tatlong variant.
Pinag-aralan nila ang tungkol sa pinanggalingan ng epidemiya, sa pamamagitan ng pagsusuri sa 160 genome mula sa mga may-sakit. Natuklasan nilang ang variant sa Wuhan ay hindi original strain, at nag-mutate ito mula sa mas maagang bersyon.
Tunghayan ang video interview na ito kay Doktor Peter Forster, namumunong siyentista sa nabanggit na pag-aaral, para malaman ang higit pang detalye.
Salin: Frank
Video credit: CGTN