|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling arawang na ulat sa pandemiya ng COVID-19 na isinapubliko nitong Sabado, Abril 11 (local time) 2020 ng World Health Organization (WHO), hanggang 11:10 ng umaga, Abril 11 (Central European Time, CET), pumalo sa 1,610,909 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, at 99,690 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Samantala, ang Europa ang pinakamalubhang apektado ng pandemiya, na may 839,257 kumpirmadong kaso, at 70,565 nasawi.
Ayon pa sa nasabing ulat, hanggang Abril 8, 22,073 tauhang medikal mula sa 52 bansa ang nahawahan ng COVID-19. Ipinahayag ng WHO na posibleng mas mataas pa kaysa rito ang tunay na bilang ng mga tauhang medikal na nahawa sa buong buong mundo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |