|
||||||||
|
||
Hanggang tanghali ng Abril 11, 2020 (local time), umabot sa 70,029 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Iran, at 4,357 ang namatay.
Mas mataas ang mortality rate nito kumpara sa karaniwang lebel sa daigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Kalusugan ng Iran na ang pangunahing dahilan ng mataas na mortality rate ay sangsyon ng Amerika, dahil dinulot nito ang kakulangan sa mga medikal na materyal.
Ngayon ay masusing panahon ng paglaban ng Iran kontra sa epidemiya, pero, maraming beses na ipinahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na hindi ititigil ang sangsyon sa Iran.
Sunud-sunod na nanawagan ang Komunidad ng Daigdig sa Amerika na itigil ang sangsyon sa Iran at ibang bansa, pero bingi si Pompeo.
Ang kanyang aksyon ay mantsa sa moralidad ng Amerika.
Sinabi ni Pompeo na: "dapat alam ng Komunidad ng Daigdig na walang anumang sangsyon ang maaaring humadlang sa mga makataong tulong at materyal na medikal para sa Iran."
Pero ayon sa ulat na ipinalabas ng isang oraganisasyon ng karapatang pantao, "ang sangsyon ng Amerika ay humahadlang sa komersyal at pinansyal na pagpapalitan sa pagitan ng mga pandaigdigang bangko, at mga kompanya ng Iran; na kinabibilangan ng mga makataong kalakalan, dahil sa takot sa sub-sangsyon mula sa Amerika."
Pero, sa opisyal na website ng U.S. State Department, sinabi ni Pompeo na ang kahilingan ng Iran sa pagbawi ng sangsyon ay hindi para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamamayan, kundi para sa pagbibigay ng pondo sa terorismo.
Ipinahayag ni Thomas Pickering, dating Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika ang mariing pagtutol sa pananalitang ito.
Sinabi niyang: "ayon sa kasaysayan, kung aalisin ng Amerika ang sangsyong may kinalaman sa matakatong tulong at suliraning medikal, batay sa itinakdang kondisyon, tatanggapin ng Iran ang maraming tulong at magagamit ang mga ito sa pagliligtas ng mga buhay."
Ipinalalagay ng New York Times na sa mata ng ilang politikong Amerikano, ang epidemiya ay "pagkakataon."
Gamitin nila ito at sangsyon bilang sandata upang makontrol ang Iran.
Maraming beses na ring sinabi ni Pompeo na ipagkakaloob ng Amerika ang tulong ng pondo para sa buong mundo para sa paglaban sa epidemiya, pero hanggang ngayon, walang katotohanan ang mga salita niya.
Ipinakikita ng aksyon at pananalita na "di-mapagkakatiwalaan" ang ilang pulitikong Amerikano, at hinahadlangan nila ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa COVID-19.
Sila ang barumbadong nagsasagawa ng power politics.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |