|
||||||||
|
||
Tinukoy ng World Health Organization (WHO)-China Joint Mission on COVID-19 Report na ipinalabas Pebrero 29, 2020, na "isinagawa ng Tsina ang pinakamatapat, pinakapleksible at pinakapositibong hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19."
Ito ang konklusyon ng 25 dalubhasa mula sa Tsina, Alemanya, Hapon, Timog Korea, Nigeria, Rusya, Singapore, Amerika at World Health Orgnization, pagkaraan ng 9 araw na imbestigasyon sa Tsina.
Sa kasalukuyan, matatag at mabuti ang kalagayan sa Tsina, pero, lumalaganap ang epidemiya sa buong daigdig.
Ang pagpigil sa epidemiya ay pangkagipitang tungkulin ng komunidad ng daigdig.
Binigyan-diin ng naturang ulat na ang hakbangin ng Tsina ay nagkaloob ng mahalagang karanasan para sa buong daigdig sa paglaban sa COVID-19.
Tulad ng sabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO, na kung isasagawa ang tumpak na hakbangin, mapipigilan ang epidemiya.
"Ito ang isa sa mga mahalagang impormasyon na mula sa Tsina. "
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |