Bilang malaking bansa ng produksyon, ang Tsina ay nagsisilbing unang destinasyong binibilihan ng mga bansa ng mga medikal na materiyal. Nitong ilang araw na nakalipas, madalas na lumalapag ang mga chartered flight ng iba't-ibang bansa sa mga international airport sa mga lugar na tulad ng Beijing, Shanghai, Tianjin, Guangzhou, Shenzhen at Zhengzhou.

Lulan ang maraming materiyal ng medikal, lumipad kamakailan mula Shanghai Pudong International Airport ang 2 freight planes ng hukbong panghimpapawid ng Algeria pabalik ng Kazan Airport.

Magkasunod namang lumipad kamakailan mula Novosibirsk Airport ang 2 cargo aircraft ng hukbong panghimpapawid ng Rusya papuntang Pudong International Airport. Matapos kargahan ng mga maskara at iba pang kagamitang medikal, bumalik ang mga ito sa Rusya.

Bukod dito, magkakahiwalay na ipinadala ng mga bansang tulad ng Estonia, Iraq, at Poland, ang mga eroplano sa mga paliparang Tsino upang kunin ang mga kagamitan para sa paglaban sa pandemic ng COVID-19 sa kani-kanilang bansa.
Salin: Lito