|
||||||||
|
||
Nakahanda ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN Plus Three) na lalo pang palakasin ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, bilang tugon sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang ipinahayag ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa preskon, Miyerkules, Abril 15.
Saad ni Zhao, sa Magkasanib na Pahayag na inilabas kamakalawa, Abril 14 pagkatapos ng pulong, sumang-ayon ang mga kalahok na bansa na ipagpatuloy ang pagpapalitan ng impormasyon at karanasan, ibayo pang palakasin ang pananaliksik at pagdedebelop (R&D) ng gamot at bakuna, tiyaking sapat ang suplay ng gamot at materyal na medikal, at ilunsad ang espesyal na pondo bilang suporta sa mga bansang ASEAN laban sa epidemiya.
Kasabay nito, isasa-alang-alang din ang pagtatatag ng mga reserbang masusing materyales na medikal, bilang tugon sa mga di-inaasahan at panghinaharap na epidemiya.
Dagdag pa rito, nangako ang mga kalahok na bansang patuloy na pahuhupain ang epektong dulot ng epidemiya sa lipunan at pag-unlad; pananatilihin ang kinakailangang pagpapalitan ng mga tao na kinabibilangan ng biyaheng pangnegosyo; ipagpapatuloy ang konektibidad ng supply chain; at kakatigan ang kaunlarang pangkabuhayan.
Nakahanda ang mga bansang magkapit-bisig para malampasan ang epidemiya at mapanumbalik ang kasiglahang pangkabuhayan ng rehiyon, sa lalong madaling panahon, diin ni Zhao.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |