|
||||||||
|
||
Sa isang preskong idinaos kamakailan ng White House, makaraan ang paulit-ulit na pag-a-alinlanganan ng isang mamamahayag ng Columbia Broadcasting System (CBS) tungkol sa mga nagawa ng pamahalaang Amerikano sa buong nagdaang Pebrero, muling isinagawa ng lider Amerikano ang matinding ganting-salakay sa mamamahayag ng bansa.
Nauna rito, ipinalabas ng "New York Times" ang artikulong pinamagatang "Most New York Coronavirus Cases Came from Europe, Genomes Show," kung saan sinipi ang opinyon ng mahigit sampung kaukulang eksperto. Ayon sa kanilang opinyon, kung isinagawa lamang ng pamahalaan ni Donnald Trump ang agarang proseso ng pagsusuri, mas maaga sanang natuklasan ang virus sa Amerika. Ngunit, ayon sa lider ng Amerika, ito ay hindi mapagkakatiwalaang balita.
Noong Abril 8, araw ng pagdekandado ng lunsod Wuhan, pinupurihan ng "The Voice of America (VOA)" ang nagawang hakbangin ng Tsina sa pagkandado sa Wuhan. Anang VOA, ito ay "modelo" ng matagumpay na pagpigil at pagkontrol sa pandemic ng COVID-19. Ngunit, binatikos ng White House ang VOA; at ayon White House, ang VOA ay "nagsasahimpapawid para sa Tsina," at ginagamit nito ang buwis ng mga Amerikano. Bukod dito, binatikos din ng lider na Amerikano ang ilang media na gaya ng CNN at NBC. Sa mata ng White House, ang pagpuna sa Tsina ay "pagbabalita ng katotohanan," at ang pagsasabi ng magandang nagawa ng Tsina ay "propaganda para sa Tsina."
Sapul nang sumiklab ang COVID-19, ang pagpapalaganap ng "pekeng balita" ay kadalasang ginagamit ng White House sa mga media. Napakalinaw na tinukoy ng "The Washington Post" na para sa kasalukuyang pamahalaang Amerikano ang "pekeng balita" ay "tamang pagbabalita, pero ito ay sumisira sa imahe at reputasyon ng pinakamataas na lider ng Amerika."
Kamakaila'y magkakahiwalay na ipinalabas ng "The Washington Post" at "New York Times" ang mahahabang ulat na nagbabalik-tanaw sa situwasyon ng pagpigil at pagkontrol ng bansa sa epidemiya. Ipinalalagay nila, na ang mga kamalian ng liderato ng pamahalaang Amerikano, at di-sapat na paghahanda sa epidemiya ay direkta at pangunahing sanhi ng paglala ng coronavirus sa bansa. Sa kabilang dako, tulad ng tinutukoy ng ilang tagapag-analisa, ginugulo ng ilang mediang Amerikano ang plano ng pamahalaang Amerikano na ibaling sisi sa iba. Ibinunyag din nila ang kasinungalinang "ang corona virus ay mula sa Tsina," at hinarangan ang naisin ng pamahalaang Amerikano na pagtakpan ang sariling kamalian. Kaya puspusan ang pagpuna ng White House sa mga media ng bansa.
Hanggang 11:00am, Abril 15 (Beijing time), 2020, lampas sa 600 libo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 26,003 ang namatay. Maliwanag na naging mas malala ang kalagayang epidemiko sa bansang ito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |