|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagsuspinde ng Amerika sa pagkakaloob ng pondo sa World Health Organization (WHO), ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 15, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang kinakatigan ng panig Tsino ang ginagawang namumunong papel ng WHO sa pakikibaka ng daigdig laban sa COVID-19.
Sinabi niyang nagbigay na ng 20 milyong dolyares ang Tsina sa WHO, at sa abot ng makakaya, patuloy itong magkakaloob ng tulong, at pagkatig sa WHO.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |