Ipinatalastas nitong Biyernes, Abril 17, 2020 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pagpapaliban ng pagdaraos ng selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng Victory Day sa Mayo 9.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagkaunawa ng panig Tsino sa naturang kapasiyahan ng panig Ruso.
Dagdag pa niya, patuloy na magsisikap ang dalawang bansa, kasama ng komunidad ng daigdig, para maipagtanggol ang bunga ng tagumpay ng World War II.
Salin: Lito