Sa kanyang panayam sa local media nitong Linggo, Abril 19, 2020, pinuna ni Pangulong Milos Zeman ng Czech Republic ang pag-uugnay sa novel coronavirus sa Tsina, at paghingi ng kompensasyon ng ilang panig sa Tsina.
Ani Zeman, kung hihilingin sa Tsina na magbayad dahil sa kapinsalaan ng epidemiya, at dahil dito pinakamaagang sumiklab ang COVID-19, karapat-dapat lang din na pagbayarin ang Britanya sa kapinsalaang dinulot ng mad cow disease, dahil ang Britanya ang pinagmulan ng sakit na ito, at dapat ding humingi ng kompensasyon sa Aprika dahil sa Ebola virus.
Katawa-tawa ang ganitong mga bintang, dagdag niya.
Salin: Vera