Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Hukbong Sandatahang Amerikano, malubhang apektado ng COVID-19 dahil sa kamalian ng opisyal nito

(GMT+08:00) 2020-04-18 15:51:14       CRI

Sa isang panayam noong Abril 16, 2020 (local time) ipinahayag ni Mark Esper, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, na nahihirapan siyang maniwala sa mga impormasyon mula sa Partido Komunista ng Tsina (CPC). Inakusahan din niya ang Tsina na nagtatago ng mga impormasyon tungkol sa corona virus. Katulad ng sinabi ng ilang iba pang politikong Amerikano, ito ay isa pang katwiran lamang para ibaling ang sisi sa iba. Ang "palabas" ni Mark Esper walang duda ay bibigyan ng mas malaking pansin ng mga tao dahil tungkol ito sa kalagayang epidemiko ng hukbong Amerikano.

Napansin na ng mga tao na sa araw ng pagbabaling ni Esper ng sisi, ipinahayag ng hukbong pandagat ng Amerika na ibayo pang dumami ang bilang ng mga nahahawang tripulante ng COVID-19 sa aircraft carrier na "Theodore Roosevelt" na umabot sa 655 ang bilang ng nag-positibo sa pagsusuri ng corona virus. Nauna rito, namatay na ang isang tripulante nito dahil sa sakit may kaugnayan sa COVID-19. Bukod dito, magkakasunod na lumilitaw ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga aircraft carriers na gaya ng "Ronald Reagan," "Carl Vinson," at "Nimitz." Ayon sa isang "mapa ng nahahawang hukbong Amerikano" na isinapubliko kamakailan ng mediang Amerikano, natuklasang may kaso sa mahigit 150 baseng militar sa 41 estado ng Amerika ng COVID-19. Kabilang dito, ang hukbong pandagat nito ay nasa pinakamalubhang kondisyon.

Sa katotohanan, puwedeng iwasan ang naturang grabeng situwasyon. Noong Marso 30, minsa'y ipinadala ni Brett E. Crozier, captain ng aircraft carrier na "Theodore Roosevelt" sa panahong iyon, ang liham sa mataas na opisyal ng hukbong pandagat para humingi ng tulong. Ngunit, pinuna siya ng mataas na opisyal ng hukbong pandagat at inalis siya sa kanyang posisyon noong Abril 2. Sa isang panayam ng CNN pagkatapos ng 3 araw, ipinahayag ni Esper na "hindi totoong istorya" ang liham ni Crozier.

Sa bandang huli, binigyang-parusa ang mga katulad ni "Esper" dahil sa kanilang pagtatago ng impormasyon ng epidemiya. Kaugnay nito, inilathala kamakailan ng "Forbes" ang artikulong nagsasabing hindi nagkaloob ang Pentagon ng mapagpasiya at malinaw na patnubay tungkol sa COVID-19 pandemic, bagay na nakakaapekto sa kompiyansa ng mga tao kay Mark Esper.

Malinaw na dahil sa hangaring pulitikal, ipinagpaliban ng ilang politikong Amerikano ang pagsasagawa ng kongkretong hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya na nagbunsod ng napakagrabeng kalagayang epidemiko sa bansa. Ngunit, abalang-abala at mahigpit silang nagtutulungan para puspusang isagawa ang plano ng "pagbabaling ng buong pamahalaan ng sisi sa iba."

Pero, hindi puwedeng takpan ng pagdungis sa iba ang katotohanan, at di puwede ring pagtagumpayan ng "pagbabaling ng sisi sa iba" ang corona virus. Pumapanaw ang parami nang paraming buhay. Habang buong sikap na nagsisikap si Esper upang ilipat ang pansin ng publiko, ikinalulungkot at ikinababalisa ng mga mabuting tao ang kalagayan ng hukbong pandagat ng Amerika dahil sa kumakalat na virus.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>