|
||||||||
|
||
Ayon sa "Washington Post," dahil sa kontaminasyon ng laboratoryo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, hindi nito kayang agarang pag-aralan at yariin ang mga kagamitan ng pagsusuri sa corona virus. Bunsod nito, ipagpapaliban ang pagsusuri sa corona virus sa buong Amerika.
Anang ulat, ang kontaminasyon sa naturang laboratoryo ay dulot ng paglabag nito sa makatwirang pamantayan ng produksyon.
Ipinahayag ng "Washington Post" na noong huling dako ng nagdaang Enero, ipinamigay ng CDC ang unang batch ng test kit sa 26 na public health lab ng buong bansa. Ilan sa mga ito ay nakatuklas ng problema sa naturang mga test kit.
Ipinalalagay ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) na lumabag ang CDC sa sariling regulasyon at pamantayan ng produksyon, at pinakaposibleng naganap ang kontaminasyon sa proseso ng pagpoprodyus.
Narito ang reaksyon ng mga Amerikano tungkol dito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |