Martes ng umaga, Abril 21, 2020, naglakbay-suri si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa isang sakahan ng tsaa sa Pingli County ng Lunsod ng Ankang, Lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina.
Nalaman ni Xi ang kalagayan ng pagtatanim sa nasabing sakahan, at magiliw siyang nakipagpalitan ng kuru-kuro sa mga magsasaka.
Saad ni Xi, ang pagpapaunlad ng industriya ng tsaa ay makakatulong sa pag-babawas ng karalitaan at pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa lokalidad. Dapat paunlarin ang industriya ng tsaa, diin niya.
Salin: Vera