|
||||||||
|
||
Ipinahayag, Miyerkules, Abril 22, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na napapanahon ang pagdedeklara ng WHO sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) bilang global emergency.
Ani Ghenreyesus, ito ang pinakamataas na lebel ng alerto na maaaring ibigay ng WHO.
Sa isang virtual press briefing, sinabi niyang dahil idineklara ng WHO ang COVID-19 bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) noong Enero 30, nagkaroon ng sapat na oras ang daigdig para gumawa ng reaksyon.
Diin niya, habang nang itaas ng WHO ang alerto sa pinakamataas na antas, 82 pa lang ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa labas ng Tsina, at wala pang naitatalang pumanaw sa labas ng Tsina.
Kaya, may sapat na panahon para pigilan ng mundo ang pagkalat ng epidemiya, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |