|
||||||||
|
||
"Malayung-malayo pa ang katapusan ng COVID-19 pandemic."
Ito ang winika ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) sa news briefing nitong Miyerkules, Abril 22, 2020.
Kaugnay ng pananabik ng mga tao na bumalik sa normal na pamumuhay, sinabi ni Ghebreyesus na iiral nang mahabang panahon ang novel coronavirus.
Saad niya, walang dudang matagumpay na napigil ng mga hakbanging gaya ng pananatili sa bahay ang pagkalat ng virus sa maraming bansa, pero nananatiling napakapanganib pa rin nito, aniya.
Saad pa ni Ghebreyesus, mabilis kumalat ang coronavirus sa karamihan sa populasyon sa daigdig, at ito ay nangangahulugang madali ang muling pagsiklab ng epidemiya ng COVID-19.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |