Magkakasunod na isinasagawa kamakailan ng mga bansang Asyano ang mas maraming hakbangin para harapin ang pandemic ng COVID-19.
Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng India, hanggang 5:00pm, Abril 25 (local time), 2020, pumalo na sa 24,942 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at nananating nasa "lockdown" ang buong India. Subalit, nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na nadaragdagan ang kakayahan ng bansa sa pagsusuri at pagtanggap sa mga maysakit.
Tungkol naman sa Singapore, lumampas sa 12 libo ang bilang ng kumprimadong kaso, at ipinahayag nitong Biyernes ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore na ayon sa plano ng bansa, sa loob ng darating na buwan, unti-unting mabubuksan muli ang kabuhayan. Para rito, isasagawa ang malawakang pagsusuri sa buong bansa, at isasagawa ang mas maraming hakbanging panseguridad.
Samantala, isinapubliko nitong Biyernes ng pamahalaang Timog Koreano ang panukalang magbibigay-patnubay sa pagpigil sa epidemiya kung saan nakalista ang isang serye ng pamantayang may kaugnayan sa paglalakbay, trabaho, pagkain, at pamimili.
Salin: Lito