|
||||||||
|
||
Nitong Biyernes, Abril 24, 2020, nilagdaan ng mahigit 1,000 organisasyon at indibiduwal mula sa iba't ibang sulok ng mundo ang magkakasanib na liham sa White House, na humihimok sa pamahalaan ni Donald Trump na patuloy na ipagkaloob ang pondo sa World Health Organization (WHO).
Kabilang sa kanila ay mga charity group, organong medikal at dalubhasang medikal.
Noong Abril 14, idineklara ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagtigil ng pagbibigay-pondo sa WHO, bagay na mariing binatikos ng maraming panig.
Noong Abril 25, inilabas ni Richard Horton, Punong-Patnugot ng The Lancet, autorisadong magasing medikal sa daigdig, ang artikulong pinamagatang "Bakit mali si Pangulong Trump ukol sa WHO."
Sa nasabing artikulo, detalyadong sinariwa ni Horton ang timeline ng pagpapalabas ng WHO ng mga ulat sa panahon ng epidemiya.
Aniya, walang anumang batayan ang pagbatikos ni Trump sa WHO.
Ang pagtigil sa pagkakaloob ng kinakailangang saklolong pinansyal sa WHO sa panahon ng pandaigdigang krisis ng kalusugang pampubliko ay nakakapinsala sa reputasyon ng pamahalaan ni Trump, dagdag ni Horton.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |