|
||||||||
|
||
Ang pagbabaling ng sisi sa Tsina ay nagsisilbing isa sa mga patakaran ng pamahalaang Amerikano sa pakikibaka laban sa pandemic COVID-19.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, Abril 24 ng "Politico," political news website ng Amerika para patnubayan sa panlilinlang ng mas maraming Republican Party candidates, inilabas noong Abril 17 ng National Republican Senatorial Committee (NRSC), campaign organ ng partidong ito ang memo na may 57 pahina kung saan nakasaad kung paano atakihin ang Tsina habang hinaharap ang mga kaukulang mahihirap na isyu at situwasyon.
Ayon sa "Politico," si Brett O' Donnell, beteranong Strategist ng Republican Party, ang may-akda ng nasabing memo.
Iminungkahi ng nasabing memo sa mga Republican Party candidates na dapat harapin ang mga opinyong publiko na dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng aktibong pag-atake sa Tsina.
Kabilang sa mga estratehiyang ito ang mga detalye kung paano i-uugnay ang mga Democratic Party candidates sa panig opisyal ng Tsina, hanggang sa kung paano haharapin ang akusasyon ng rasismo.
Ipinagkaloob ng manunulat ang tatlong pangunahing paraan ng pag-atake na kinabibilangan ng pagdungis sa Tsina dahil sa di-umano ay "paglilihim" sa corona virus na nagbunsod ng pagsiklab ng pandemiya, pagiging "labis na mabait" ng mga Democrats sa Tsina, at pagpapasulong ng plano ng pagbibigay-sangsyon sa Tsina dahil di-umano sa responsibilidad nito sa "paganap ng virus."
Bukod dito, mayroon pang isang nakakatuwang pangungusap sa nasabing memo na "bukod sa pagbanggit sa naunang travel ban sa Tsina, huwag depensahan si Donald Trump, atakihin lamang ang Tsina."
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |