|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Abril 27, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran.
Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaang Tsino at mga mamamayan ng Tsina, ang taos-pusong pakikiramay at buong tatag na suporta sa Iran sa paglaban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Binigyan-diin ni Xi na sa harap ng mahalagang pandaigdigang krisis ng kalusugang pampubliko, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon. Ang unilateral na sangsyon ay hadlang ng pagsisikap ng Iran at komunidad ng daigdig sa paglaban sa epidemiya.
Ipinahayag ni Rouhani na ang matagumpay na karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ay nagbibigay ng mahalagang aral sa buong daigdig. Pinasalamatan ng Iran ang Tsina na nakaloob ng tulong ng materyal sa Iran.
Binigyan-diin niya na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat agarang itigil ang sangsyon sa Iran.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |