Kaugnay ng positibong komento ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran hinggil sa pagharap ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-27 ng Enero 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pasasalamat sa panig Iranyo.
Dagdag ni Hua, sa kasalukuyan, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga malakas na hakbangin, para pigilin at kontrulin ang epidemiya. Mahigpit din aniyang nakikipagtulungan ang Tsina sa World Health Organization at ibang mga pandaigdig na katuwang sa aspektong ito. Sinabi rin ni Hua, na may kompiyansa ang Tsina, na kontrulin sa lalong madaling panahon, at pagtagumpayan sa bandang huli, ang naturang sakit.
Salin: Frank