|
||||||||
|
||
Binatikos kamakailan ni Steve Bannon, makakanang estratehistang Amerikano ang mga hakbang ng pagpigil at pagkontrol sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Tsina.
Aniya, kailangang isabalikat ng Tsina ang pananagutang pinansyal dahil sa pandemiya.
Sa kanyang pananalita, mukhang nakalimutan ni Bannon ang mga katotohan at pandaigdigang batas.
Higit pa riyan, patuloy niyang tinatangka na ibaling sa Tsina ang sisi kahit lampas na sa isang milyon ang mga Amerikanong dinadapuan ng sakit, at nararanasan ng kabuhayan ng Amerika ang pinakamalaking pagbagsak sapul noong 2008 financial crisis.
Si Bannon, dating estratehista ni Trump ay laging may agresibong makakanang tinging pulitikal at malimit na nang-uudyok sa rasismo at xenophobia.
Sapul nang matiwalag mula sa White House noong Agosto, 2017, walang-tigil na itinuturing ni Bannon ang Tsina bilang pangunahing banta sa Amerika.
Layon ng kanyang desperadong tangka na iligtas ang lugmok niyang karerang pulikal.
Para kay Bannon, ang pagkalat ng COVID-19 ay bagong oportunidad para ihasik ang kanyang virus na pulitikal.
Gayunpaman, taliwas sa katotohanan ang kaululan ni Bannon kontra Tsina.
Sapul nang maganap ang epidemiya, responsableng ibinalita ng Tsina ang kalagayan sa World Health Organization, ibinahagi ang genetic sequencing ng virus sa pinakamaagang yugto, at agarang nagsagawa ng pakikipagtulungang pandaigdig sa mga dalubhasa.
Kahit gaano karami ang mga kasinungaling ibinibida at pangangatuwirang inimbento ni Bannon, ang kanyang paghabla sa Tsina ay walang batayan at hindi rin alinsunod sa mga praktika ng daigdig.
Walang inihaing kahilingan ang Tsina para sa kompensasyon makaraang magsimula ang H1N1 flu sa Estados Unidos noong 2009, at kumalat ito sa 214 na bansa't rehiyon.
Wala ring bayad-pinsalang hiningi ang Tsina makarang unang lumitaw sa Amerika ang HIV/AIDS noong 1980s, o ang 2008 financial crisis na nakaapekto sa buong mundo.
Ang tunay na kaaway ng Amerika ay ang virus at hindi Tsina.
Ang pandemiya ay kapahamakang walang kinikilalang hanggahan, at kailangang maunawaan ng mga mamamayang Amerikano na kung sila ay maniniwala kay Bannon, baka hindi na nila makontrol ang paglaganap ng epidemiya, at ito ay sisira sa kinabukasan ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |