Tungkol sa madalas na paglitaw ng "Conspiracy Theory" at "Responsibility Theory" ng pinagmulan ng coronavirus, sa isang panayam ng China Central Television (CCTV) ng China Media Group (CMG), ipinahayag nitong Biyernes, Mayo 1, 2020 ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng The Lancet, prominent British medical journal, na tulad ng sinabi ng Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), nitong ilang buwang nakalipas, nakikibaka ang buong daigdig sa dalawang uri ng epidemiya: ang isa ay idinulot ng virus, at ang isa naman ay mula sa mga hindi totoong impormasyon.
Sinabi niya na sa napakaraming pagkakataon, ang mga negatibong epektong dulot ng huwad na impormasyon ay kasin-grabe ng virus. Ang "Virus Conspiracy Theory," ani Horton, ay hindi nakakatulong sa paglaban sa COVID-19. Dapat alamin ng daigdig ang tunay na pinagmulan ng virus at pag-aralan ito sa siyentipikong atityud.
Sinabi rin niya na ayon sa isang pananaliksik na isinagawa ng Unyong Europeo bilang tugon sa mga di makatotohanang impormasyon, nakakatakot ng mga di totoong impormasyon. Ngunit, sa kasamaang palad, sa kasalukuyang pagbabalita ng ilang media, ang mga ganitong walang batayang impormasyon ay kumakalat at nakakaapekto sa mga tao, at nakakapagbigay sila ng napakalaking pinsala sa mga tao, dagdag pa niya.
Salin: Lito