|
||||||||
|
||
Ayon sa media ng Amerika, ipinahayag kamakailan ni Michael Melham, alkalde ng Belleville, estadong New Jersey ng Amerika, na siya sy nahawahan ng coronavirus noong Nobyembre ng nagdaang taon. Ayon naman sa nakuhang pinakahuling resulta ng pagsusuri ni Melham, taglay niya ang coronavirus antibody. Ngunit ayon sa naunang balita, lumitaw sa Amerika ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong huling dako ng nagdaang Enero.
Si Michael Melham, alkalde ng Belleville, estadong New Jersey ng Amerika
Diin ni Melham, noong panahong iyon, napakagrabe ng kanyang kalagayan, at hindi pa siya kailanman nagkakaroon ng ganitong grabeng influenza. Aniya, nanatili na sa mahabang panahon ang corona virus antibody sa kanyang katawan. Nitong ilang buwang nakalipas, naglakbay siya tanging sa Puerto Rico lamang at mag-isang nanirahan doon mismo sa panahong iyon, aniya pa.
Ipinalalagay niya na ang maraming naunang grabeng influenza cases ay posibleng COVID-19. Ang maraming taong nakasalamuha niya ay magkasakit noong Nobyembre at Disyembre ng nagdaang taon at malubha ang kanilang kondisyon, ani Melham.
Ipinahayag pa niya sa mediang lokal ang kanyang pag-asang magkakaroon ang mas maraming tao ng virus test. Nananawagan din siya sa mga gumaling ng sa sakit na COVID-19 na mag-abuloy ng kanilang blood plasma para tulungan ang mga iba pang maysakit.
Nagulat ang maraming tao sa naturang impormasyon. Dahil hanggang noong katapusan ng nagdaang Enero, ini-ulat lang ng Amerika ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na atrasado ng mahigit dalawang buwan kaysa panahong nahawa si Melham ng novel coronavirus.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |