Iniulat Mayo, 5, 2020, ng CNN, na naganap noong huling dako ng 2019 ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mundo. Pagkatapos ng kauna-unahang kaso ng pagkahawa, mabilis na kumalat ang virus na ito.
Ito ang resultang nakuha ng mga mananaliksik ng Britanya pagkatapos ng new genetic analysis nila sa virus mula sa mahigit 7,600 may-sakit sa buong daigdig.
Ipinahayag ni Francois Balloux, dalubhasa ng University College London, na,"Nagbabago ang virus na ito pero, hindi ipinakilita nitong ito ay nagiging mas mapanganib."
Sinabi ni Balloux na "Mayroong kaming lubos na kompiyansa na, nahawa ng virus ang sangkatauhan noong katapusan ng nakaraang taon."
Ayon sa CNN, ang balitang ito ay nagpakita na bago pa man lumabas ang opisyal na paguulat, kumalat na ang virus sa mga bansang kanluran.
Salin:Sarah