Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nars na Tsino, ipinarating ang taos-pusong hangarin sa mga Amerikano sa liham kay Trump

(GMT+08:00) 2020-05-08 16:45:10       CRI

Isang nars na Tsino na kaisa sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Wuhan, pinakaapektadong lunsod sa Tsina, ang sumulat ng isang liham kay Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Sa liham, ang nars na nakatalaga sa respiratory department ay nagbahagi ng kwento ng Wuhan sa gitna ng epidemya, at nagpahayag ng pakikiramay sa mga mamamayang Amerikano na malubhang apektado dahil sa virus.

Ayon sa pinakahuling real-time tally ng Johns Hopkins University ngayong araw, 2,448 ang naitalang bagong nasawing Amerikano sa nagdaang 24 na oras at pumalo naman sa 75,543 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Amerika.

Sa sulat, binalik-tanaw ng nars ang araw kung kailan 42,000 tauhang medikal ang umalis ng sariling mga tahanan at pumunta sa Wuhan. "Sa bisperas ng Chinese New Year, na tulad ng bisperas ng Pasko sa Amerika, nagpaalam kami sa pamilya at tumulak sa Wuhan nang walang pag-aatubili," saad ng liham.

Anang nars, hindi mahubad ng mga tauhang medikal ang kanilang pamprotektang kasuotan dahil sa kakulangan ng mga materyales na medikal.

"Pareho ang damdamin ko nang makita kong ginagamit ng mga medikong Amerikano ang plastic bags bilang pamprotektang kasuotan," sabi ng nars, "Nasasaktan ang puso ko nang makitang iyak nang iyak ang mga naulilang pamilya ng mga medikong Amerikano."

Sa Wuhan, buong sikap na ginagamot ang lahat ng mga pasyente na kinabibilangan ng 108 taong gulang na matanda at kapapanganak lamang sa loob ng 30 oras na sanggol. "Ikinagagalak ko po ring makitang mas maraming may-sakit ang magaling at umalis ng ospital," sabi ng nars.

Bilang panapos, sinabi ng nars na, "Ito ang karanasan ko sa Wuhan. Pakiabot din po ang aking pagpupugay sa mga medikong Amerikano sa frontline, at pinakamagandang hangarin para sa mga mamamayang Amerikano. "

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>