Ayon sa ulat ng media ng Britanya, natuklasan kamakailan ng Asia Studies Center ng Henry Jackson Society, think tank ng Britanya, ang video mula sa Wuhan Institute of Virology (WIV). Sinabi nitong ang pagkakamali ng mga tauhan ng WIV ay posibleng nagresulta sa pagkalat ng virus.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Huwebes, Mayo 7, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa katunayan, ang nasabing video ay bahagi ng isang dokumentaryong pansiyensiya na "Youth in the Wild." Walang kaugnayan ito sa mga tauhan at mga gawaing pansiyensiya't panteknolohiya ng WIV.
Saad ni Hua, sa kanyang panayam sa Reuters, gumawa si Yuan Zhiming, mananaliksik ng WIV at Direktor ng National Biosafety Laboratory ng Tsina, ng komprehensibong reaksyon dito. Tinukoy ni Yuan na mahigpit na sinusunod ng laboratoryo ang biosafety procedures, at may modernong kagamitang pamproteksyon at mahigpit na hakbangin ang mga biosafety labs sa mataas na antas, para maigarantiya ang seguridad ng mga mananaliksik at kapaligiran.
Salin: Vera