|
||||||||
|
||
Opisyal na naisaoperasyon Mayo 10, 2020, sa lalawigang Hubei ng Tsina ang kauna-unahang regular na international air freight route, matapos kumalat ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang naturang ruta ay sa pagitan ng Wuhan, punong lunsod ng Hubei, at Osaka ng Hapon, at ito ay may isang flight kada araw.
Dadalhin sa flight patungong Hapon ang mga materyal ng pagpigil sa epidemiya mula sa Tsina, samantalang mula sa Hapon, dalalhin naman papuntang Tsina ang mga panindang Hapones.
Dahil sa regular na linyang ito, bumaba ng mga 20% ang gastos ng transportasyon sa pagitan ng dalawang lugar.
Nauna rito, naisaoperasyon na ng Wuhan ang chartered cargo flight sa Los Angeles, Melbourne, Paris at Frankfurt.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |